Pampaputi ng Tuhod: Paano Magpaputi ng Tuhod na Maitim

[sg_popup id=1]

Maitim ba ang iyong tuhod? Nahihiya ka ba kung minsan dahil sa maitim ang iyong tuhod at hindi pantay sa kulay ng iyong balat. Mayroong mga alternatibong solusyon na pampaputi ng tuhod. Basahin lamang ang artikulong ito upang makatulong saiyo.

Pampaputi ng tuhod: Bakit maitim ang tuhod?

Nagtataka ka ba kung bakit maitim ang iyong tuhod gayong hindi naman maitim ang iyong katawan? Nahihiya ka bang mag suot ng shorts dahil nga sa mukhang pinahiran ng uling ang iyong tuhod dahil sa sobrang itim nito? Ayon sa isang eksperto, isa sa mga rason kung bakit maitim ang tuhod ay dahil sa makapal ang balat natin dito. Pansinin ang iyong mukha at ang iyong hita at mapapansin mo na mas maputi ito kumpara sa ibang parte ng iyong katawan, Ito ay dahil sa mas manipis ang balat natin dito. Kabaliktaran iyan sa tuhod at gayon din sa siko na mas makapal ang balat. Isa pang rason kung bakit lubhang maitim ang tuhod ay ang pagkiskis nito sa ating pantalon tuwing suot natin ito. Ang mga sumusunod ay isa pa sa mga dahilan kung bakit maitim ang iyong tuhod:

  • Dumi o libag.
  • Pagkakaroon ng peklat mula sa dating sugat.
  • Pagkakaroon ng kalyo o makapal na balat.
  • Pagkakaroon ng sakit sa balat.
  • Genetics o nasa lahi.
  • Pagbibilad sa sikat ng araw.

Ngayong alam niyo na ang mga rason kung bakit maitim ang iyong tuhod ay alamin naman natin kung ano ano ang mga pwedeng gamot dito. Narito ang mga sumusunod:

Paano magpaputi ng tuhod: Mga paraan sa pagpapaputi ng tuhod

Baking soda

Ang baking soda ay hindi lamang gamit sa paggawa ng cake at tinapay, gamit din itong panlinis sa balat kaya epektibo itong pampaputi ng tuhod. Nakakatulong ito sa pagtanggal ng mga patay na selula sa balat at nakapagpapabawas ito ng hyper-pigmentation na nabubuo sa mga tuhos at siko.

Paraan ng pagamit: Maglagay ng isang kutsara ng gatas at baking soda. Imasahe ito sa maitim na tuhod at siko sa loob ng dalawa o tatlong minuto. Banlawan ito ng maligamgam na tubig at patuyuin.

Kalamansi

Ang kalamansi ay hindi lang gamit sa mga lutuin at hindi lang din ito pampaasim. Mainam rin itong pampaputi ng tuhod. Ito ay may mataas na antas ng vitamin C na tumutulong sa pag alis ng mga patay na selula ng balat at nakapagpapaputi ng maitim na balat.

Paraan ng pagamit: Maghiwa ng apat na piraso ng kalamansi, ipahid at imasahe ito sa iyong tuhod sa loob ng ilang minuto. Hayaan ang kalamansi sa iyong tuhod sa loob ng 20 minuto at pagkatapos ay hugasan ang iyong tuhod.

Asukal

Pwede mong subukan ang paggamit ng asukal bilang body scrub. Ang mga butil ng asukal ay pwedeng gamitin bilang exfoliant na nagtatanggal ng mga dead skin cells at nakapagpapalambot din ng balat.

Paraan ng pagamit: Maghalo ng magkatimbang na dami ng asukal at coconut oil. Ipahid ito sa tuhod sa loob ng limang minuto. Banlawan ng sabon at maligamgam na tubig. Gawin ito araw araw hanggang sa pumuti ang iyong tuhod.

Langis ng niyog o coconut oil

Ang langis ng niyog o coconut oil ay nagtataglay ng vitamin E na mabisang pampaputi ng balat kabilang na ang tuhod. Maganda rin itong moisturizer para sa may tuyong balat o dry skin.

Paraan ng pagamit: Tuwing pagkatapos mong maligo, magpahid ng coconut oil sa mga tuhod at siko at imasahe ng isa o dalawang minuto. Gawin ito ng ilang ulit araw araw para maiwasan ang panunuyo. Pwede mo namang subukang maghalo ng isang kutsaritang coconut oil at kalahating kutsara ng katas ng kalamansi. Ikuskos ito sa maitim na tuhod at hayaan ito sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Punasan ito ng tissue o towel. Gawin ito ng isang beses kada araw.

Honey

Ang honey ay hindi lang isang pampatamis sa pagkain at sa mga lutuin. May taglay itong bitamina na nakatutulong sa papaputi ng balat kabilang ang tuhod.

Paraan ng pagamit: Ihalo an gang isang kutsaritang honey sa katas ng apat na hiniwang kamatis. Ipunas ito at imasahe sa iyong tuhod sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto.

Paginom ng mga bitamina at gamot

Ang paginom ng mga bitamina ay isa ring mabisang lunas na pampaputi ng tuhod. Ngunit ang ganitong paraan ay nangangailangan ng payo ng isang eksperto sa balat o dermatologist upang maiwasan ang paginom ng gamot na hindi hiyang sa iyong katawan. Ang mga bitamina E at C ay mga mabisang bitamina para sa pampaputi ng balat kabilang na ang tuhod. Nariyan rin ang mga whitening tablets na nagtataglay at mayroong sangkap ng Gluthatione na mabisang gamot sa pampaputi ng balat o tuhod.

Mga dagdag kaalaman sa pampaputi ng tuhod

Talaga nga namang nakapag papabawas ng kumpiyansa sa sarili kapag mayroon kang maitim na tuhod lalo na sa mga babaeng teenager. Kung tutuosin, ang pagkakaroon ng maitim na tuhod ay hindi isang problema, ngunit para sa mga kabataang babae ay malaking issue ito. Kahit nga minsan sa mga kabataang lalaki ay nagiging problema rin ito. Pero para sa akin, depende ito sa taong may maitim na tuhod kung papaano niya ito dadalhin. Mayroon kasi akong mga kilalang mga taong dinadamdam ito ng masyado na kung tutuosin ay hindi naman dapat. May mga kilala rin akong mga tao na may mga ganitong kondisyon, ngunit tila wala lang ito sa kanila at hindi nila masyadong iniisip. Sa huli, ay hindi ito makakaapekto sa iyong buhay maliban na lamang kung isa kang artista o di kaya isang modelo na nangangailangan ng maganda at presentabling hitsura dahil sa ito ang kanilang puhunan sa hanapbuhay na mayroon sila.

Ang mangarap na magkaroon ng maputing tuhod ay hindi masama, sundin lamang ng maayos ang mga nakasulat sa unang bahagi ng artikulong ito at tinitiyak ko sa iyo na puputi ang tuhod mo. Sundin lamang mula sa mga gagamiting gamot hanggang sa paraan ng pagamit nito. Kailangan rin ang pag iingat sa ating balat upang maisakatuparan ang iyong goal na pumuti ang tuhod.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Pampaputi ng Tuhod: Paano Magpaputi ng Tuhod na Maitim
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO