Pampaputi ng Mukha: Paano Pumuti ang Mukha sa Natural na Paraan?

Paano pumuti ang mukha? Marahil yan ang palaging tanong ng ating mga kababayan partikular na sa mga babae. Dahil sa ang mga Pilipino na karaniwan ay kayumangi ang kulay ng balat ay naiisip ng ating mga kababayan na maghanap ng alternatibong paraan upang pumuti, partikular na sa mukha. Anu-ano ba ang mga pampaputi ng mukha? Ano ang mga dapat malaman tungkol dito. Ang artikulong ito ay bagay saiyo kung gusto mong pumuti ang iyong mukha!

Pampaputi ng mukha

Dahil sa pagiging modern ng medesina ngayon sa ating mundo at sa dami ng mga mahuhusay na dermatologist o mga eksperto sa balat, napakarami na rin ang mga nagsisilabasang gamot para sa pampapaputi ng mukha. Nariyan ang mga sabon, cream, lotion, pills, injectables, at kung anu ano pa. Mayroon rin namang mga natural na pamamaraan ng pampaputi ng mukha na hindi kailangan gumastos ng pera. Pero ano ano nga ba ang mga gamot na pampaputi ng mukha?

Gamot na pampaputi ng mukha

Mayroong dalawang paraan na pagagamot para pumuti ang mukha, nariyan ang natural na pamamaraan, nariyan rin ang pagamit ng mga kemikal. Tandaan, ang pagamit ng mga kemikal na gamot na pampaputi ng mukha ay nangangailangan ng payo ng doktor sa balat o isang dermatologist.

Narito ang dalawang paraan pampaputi ng mukha:

Natural na pamamaraan

  • Pagamit ng Kalamansi – Kumuha ng kalamansi at hiwain ito sa dalawa, pagkatapos ay pigain ito sa isang lalagyan. Kumuha ng cotton o bulak. Isawsaw ang bulak sa katas ng kalamansi at ipahid ito sa mukha. Gawin ito bago matulog sa gabi. Tandaan: Ang kalamansi ay may citric acid, kung kaya’t hindi lahat ng balat ay hiyang sa kalamansi. Maaari kang magkaroon ng skin irritation o skin allergy. Obserbahan ang balat sa unang pagamit nito.
  • Sabaw ng niyog – Ang sabaw ng niyog ay nakapagpapaputi at nakapagpapalambot ng balat. Isawsaw ang bulak sa sabaw ng niyog at ipahid ito sa mukha.
  • Gumamit ng Aloe vera – Kumuha ng dahon ng aloe vera at ipahid ang gulaman nito sa mukha. Ito rin ay maganda sa balat kung kaya maaari mo itong gamitin ng paulit ulit.
  • Hilaw na patatas – Ang hilaw na patatas ay mayaman sa vitamin C na makukuha rin sa mga produktong pampaputi ng balat. Hiwain mo sa dalawa ang isang piraso ng patatas at ikuskos ito sa balat na gusto mong paputiin. Kailangan mo itong isagawa ng ilang ulit sa loob ng isang linggo para makita mo ang pagbabago sa kulay ng balat mo.

Gamot na gumagamit ng kemikal

  • Gumamit ng produktong mayaman sa gluthatione – Marami ang mga produktong mayaman sa gluthatione, nariyan ang mga sabon, cream lotion, pills na iniinom. Ang gluthatione ay mabisang pampaputi at rekomendado rin ito ng mga doktor.

Ang wastong pangangalaga ng balat ay mabisang pampaputi ng mukha

Ang pagiging maputi ay talaga namang malininis, mabango, at magandang tingnan. Kaya naman marami sa ating mga kababayan partikular sa mga babae ang sumusubok sa pagpapaputi. Gayunpaman, ang pagpapaputi ay hindi lang nadadaan sa mga gamot na ipinapahid sa mukha, nangangailangan rin ng wastong pangangalaga ito. Ano ano ba ang mga tinutukoy kong wastong pangangalaga? Narito ang mga sumusunod:

  • Iwasan ang masyadong pagbilad sa araw – Ang sikat ng araw ay maganda sa ating kalusogan, ngunit ito ay may oras at limit lamang. Ang pagbilad sa araw sa oras na alas 10 hanggang alas 3 ng hapon ay nakasasama sa ating balat. Maaari rin itong magdulot ng skin cancer.
  • Iwasan ang paninigarilyo – Ang cells ng ating balat ay may malaking pakinabang kung bakit maputi ang balat ng isang tao. Kung kaya’t iwasan ang paninigarilyo dahil ang sigarilyo ay sumusira sa mga cells ng ating katawan kabilang na riyan ang balat.
  • Kumain ng wastong pagkain – Ang pagkain na mayaman sa mga bitamina at mineral ay tulong para magkaroon ng balat na malusog at masigla. Kumain ng prutas at gulay lalo na ang mga pagkaing mayaman sa bitamina A, C at E na pagkain ng balat.
  • Uminom ng maraming tubig – Bagaman ang tubig ay walang siyentipikong pagpapatunay na nakapagpapaputi ito, Ang tubig naman ay nakakatulong upang maging moisturize ang balat lalo na sa mukha. Kapag moist ang balat ng isang tao mas malusog at mas maputi itong tingnan. Uminom ng walo hanggang sampong baso ng tubig araw-araw.
  • Magkaroon ng sapat na tulog – Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ng isang tao ay nakakatulong sa pagrestore ng mga nasirang cells sa ating balat. Kaya naman kung nais mong magpaputi ay matulog ka ng anim hanggang pitong oras at tiyak na makatutulong ito saiyo.
  • Gumamit ng sunblock para sa balat – Mayroong mga pagkakataon na hindi talaga maiiwasan ang pagbilad sa araw. Nariyan ang pagligo sa dagat kapag mayroong outing ang pamilya o barkada tuwing summer. Kapag nasa sitwasyong ganito, ugaliin ang pagpahid ng sunblock sa balat upang maiwasan ang pagkasunog nito at magiging resulta siyempre ng pagitim ng balat. Ang matinding sikat ng araw ay masama sa ating balat, maaari rin itong magdulot ng iba pang sakit sa balat kagaya ng skin cancer.

Paano pumuti ang mukha?

Mayroong mga taong sadyang nabiyayaan ng maputing balat kabilang na siyempre ang mukha, ito ay nasa genes ng kanilang pamilya kung kaya’t mapapansin mo na mayroong magkakamaganak na pawang mapuputi, ito ay sa kadahilanang namamana ito. Ang kanilang puti ay hindi bunga ng pagamot o pagpapaputi. Ang mga Pilipino ay karaniwang kayumanggi ang balat, kung kaya naman mayroong mga Pilipinong mapuputi, dahil ito sa lahi ng mga banyaga na nakapasok sa atin. Kaya kung ang kulay mo ay kayumanggi ay wala kang dapat iproblema o ipagtaka dahil ikaw ay Pilipino.

Para naman sa mga gustong pumuti, hindi ito masama. Sundin lamang ang mga nakasulat sa unang bahagi ng artikulong ito. Huwag lamang abusohin ang ating balat sa pagamit ng kung ano anong kemikal. Mas maganda ang pag konsulta sa mga doktor sa balat o dermatologist tungkol dito. Ang natural na pamamaraan ay maganda rin sa pagpapaputi ito ay subok na at ang maganda pa ay walang masamng epekto o side effect.

Tandaan: Ang mga gamot na pampaputi na nabanggit sa artikulong ito ay napatunayan ng mabisa. Ngunit pakatandaan na iba iba ang tipo ng balat ng bawat isang tao. Sa huli, ang pagamit ng mga gamot na ito ay nakadepende pa rin uri ng balat ng tao.

KATULAD NA MGA ARTIKULO