Mga Praktikal at Ligtas na Paraan Kung Paano Pumuti ang Balat

Nasubukan mo na bang gumamit ng isang buong set ng pagkamahal-mahal na whitening products? Pumuti ka naman ba? Kung hanggang ngayon ay naghahanap ka pa rin ng epektibong paraan kung paano pumuti ang balat mo, malamang ang sagot mo sa pangalawang tanong ay HINDI. Siguradong malaki na ang nagagastos mo sa kasusubok ng iba’t –ibang produkto. Malamang din, nawawalan ka na ng pag-asang puputi ka pa.

Kung minsan, hindi rason na mahal mong nabili ang isang bagay kaya’t garantisado na ang pagiging mabisa nito. Dapat mo rin lawakan ang mga pagpipilian mo. Dapat din na hindi ka puro sa mga branded at mahal lamang magtiwala. Madalas, matatagpuan mo ang hinahanap mo sa mga murang produkto. Kung minsan nga, mas makikita mo pa ang pinakamabisang produktong pampaputi sa mga bagay na libre at nasa paligid mo lang.

Magkaroon ng alternatibong remedyo para pumuti ang balat

Kung nadala ka na sa mga nagastos mo sa mga pampaputing produkto, huwag mag-alala. Hindi mo na kailangan pang magbayad ng libo-libo para lang magkaroon ng maputi at magandang kutis. Gatas, bigas at pipino lang ang kailangan mo para maipagpatuloy ang iyong pagpapaputi. I-tsek ang iyong refrigerator at baka mayroon ka na ng mga ito.

Ang gatas, maging ang iba pang mga produktong mayroon nito ay may lactic acid na nakakapagpaputi ng balat. Ito rin ay nakapag-aalis ng lumang balat para palitan ang mga skin cells ng mas bago at mas masiglang katangian.

Bukod sa pagiging basic need nating mga Pilipino, ang bigas ay maaari ring maging alternatibong produkto sa pagpapaputi. Ito ay may natural sunscreen na nilalabanan ang pagkasunog ng balat na dulot ng matinding sikat ng araw. Ang dinurog na bigas na inihahalo sa maligamgam na tubig hanggang sa lumapot ay ipinapahid sa mukha at iba pang maiitim na parte ng katawang nais paputiin.

Isa pang paraan kung paano pumuti ang balat ay ang paggamit ng pipino. Ito ay nakakatulong para maging masigla at mas maputi pa ang balat. Dahil sa ito ay halaman at walang halong kemikal, ang hiwa-hiwang pipino ay ligtas gamitin ng kahit sino. Ito ay diretang itinatakip sa parte ng balat na pinapuputi.

Kalamansi at niyog para sa mas mabilis na pagpapaputi

Kung inaakala mong nasubukan mo na lahat at wala ka nang pag-asang pumuti pa, nagkakamali ka! Sabi nga nila, “Habang may buhay, may pag-asa.” Sa palagay mo ba ay naubos na ang oras mo sa mga pampaputing nagamit mo na? Ngayon siguro, nag-iisip ka na ng mga alternatibong paraan. Marahil ay nagtatanong-tanong ka na rin kung paano pumuti ang balat ng mabilis pero walang gastos.

May dalawang pangunahing sangkap na maaari mong subukan. Ang mga ito ay matipid at siguradong hindi ka na mabubutasan ng bulsa. Ang kalamansi at niyog ay napatunayan nang mabisang remedyo para pumuti ang balat. Pigain ang kalamansi sa malinis na lalagyan. Kumuha ng bulak at ipahid ito sa maitim na parte ng katawan. Hayaang matuyo ng hanggang 15 minuto bago banlawan gamit ang maligamgam na tubig.

Ang niyog ay isa pang mabisa at mabilis na sangkap sa pagpapaputi. Ang sabaw nito ay hindi lang nakapagdudulot ng pagiging maputi. Ito rin ay nakapagpapalambot ng balat. Para malaman kung paano pumiti ang balat gamit ang niyog, isawsaw lamang ang bulak sa sabaw nito. Ipahid sa mukha at iba pang parte ng katawang gustong paputiin. Sa natural remedy na ito, hindi na kailangan pang magbanlaw.

Maaari ring inumin ang sabaw ng niyog. Ito ay para mapigilan ang pagkakaroon ng tuyot at kulubot na balat. Ang tuloy-tuloy na paggamit ng kalamansi o niyog sa katawan ay tunay nakapagpapabilis ng pagputi ng balat.

Mga tips kung paano pumuti ang balat

Hindi sapat ang bleaching o whitening products lamang para pumuti. Mahalaga rin ang tamang pangangalaga bago pa man maghanap ng paraan kung pano pumuti ang balat. Dapat tandaan na ang pagputi ay naaayon at depende sa kalusugan ng balat. Kung ito ay kulubot at tuyot, maaring hindi umepekto ang mang ipahid dito.

  • Huwag nang sumubok pa sa paninigarilyo. Kung matagal nang ginagawa ang bisyo, mas mabuting tumigil na. Ang sigarilyo ay nakapagdudulot ng pagkulubot ng balat at maagang pagtanda nito .
  • Magpahid ng sunblock araw-araw. Kahit na hindi lalabas, huwag kalilimutang gumamit nito ng regular. Ang matinding init ng araw ay sadyang nagdudulot ng sira at sunog na balat.
  • Uminom ng 8 baso o higit pa ng tubig araw-araw para mapanatiling moisturized ang kutis. Hindi pa ito ang direktang paraan kung paano pumuti ang balat. Subalit, ito ay mabisang hakbang sa preparasyon sa pagpapaputi.
  • Huwag matutulog sa gabi nang naka-make-up pa. Maaaring magdulot ng pamamara sa pores ng balat ang mga kemikal na mayroon ang cosmetic products na gamit. Ito rin ay maaaring maging dahilan ng pagkasira ng kutis.
  • Kumain nang tama. Ang pagkonsumo ng maraming prutas at gulay araw-araw ay nakapagbibigay ng kakaibang ningning sa balat. Siguradong bibilis ang pagputi kung ang mga kakainin ay iyun lamang mga masusustansiya.

Maging mapanuri sa gagamiting produktong pampaputi

Hindi na mabilang ang mga beauty products na mabibili sa merkado. Ngunit importanteng malaman at maging mapanuri dahil ang ilan sa mga ito ay may carcinogenic chemicals na maaaring ikamatay ng isang tao. Kung pipiliin pa rin ang mga produktong nabibili, siguraduhing mapagkakatiwalaan ang tatak ng binibili.

Nagtitipid man, huwag kakalimutang mas importante ang magiging epekto ng bibilhing produkto sa balat. Aanhin ang murang nabibili sa bangketa kung sisirain naman ang kutis? Hindi ba’t mas magastos iyon? Ang pagkonsulta sa duktor sanhi ng sunog na balat o allergic reaction sa gamot, cream at lotion ay mas mahal kaysa sa isang set ng beauty products na ligtas gamitin.

Kung ayaw gumamit ng homemade creams at mga natural na sangkap na napipitas lang sa bakuran, maghanap ng brand na may magandang reviews mula sa mga nakagamit na. Maghanap sa internet ng mga kumpanyang nagtitinda ng all-natural beauty products. Alamin din kung peke o original ang binibiling produkto upang hindi maloko.

Para makasigurong ligtas at tama ang gagamiting produktong pampaputi, piliin na lamang ang natural na alternatibong nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito. Subok na mabisa, garantisadong kaya pa ng bulsa.

KATULAD NA MGA ARTIKULO