Beauty Tips: Mabisang Pampaputi ng Balat

Kojic. Gluta. Papaya. Calamansi. Ilan lamang ito sa mga sikat na produktong pampaputi. Maging ang mga kumpanyang nagbebenta ng cosmetics at beauty products ay gumagamit ng mga nabanggit na sangkap sa kanilang mga sabon, lotion at cream. Makikita ito sa mga kahon o paketeng naglalaman ng mga elemento kung paano ginawa ang kanilang mga produkto.

Isa ka ba sa mga taong mahilig sa mga produktong pampaputi? Kung ang sagot mo ay oo, marahil, halos lahat ng mga pampaputi ng balat ay nasubukan mo na. Ngunit alin nga ba sa mga ito ang garantisadong mabisa? Hindi sapat na epektibo lamang ang mga gagamitin para pumuti ang balat. Importante rin na ligtas gamitin ang mga ito ano mang skin type mayroon ang isang tao.

Paano malalaman kung ligtas gamitin ang pampaputi ng balat?

Hindi sa lahat ng oras ay maaring gamitin ang produktong pampaputi ng balat. Importanteng malaman kung ang mga ipinapahid, ini-ispray o iniinom ay ligtas hindi lang sa balat, maging sa kalusugan din. Bago magsimulang gumamit ng pampaputi ng balat, alamin muna kung ligtas itong gamitin. Kadalasan, sa brand o label ng produkto binabase ng isang tao ang kaligtasan ng paggamit ng mga ito.

Para siguradong ligtas gamitin ang ginagamit na pampaputi ng balat, pumili ng produktong chemical-free o all-natural. Maaari ring gumamit ng mga pampaputi ng balat na homemade o gawa sa pamamagitan ng DIY o do-it-yourself na paraan.Halimbawa sa mga ito ay ang lemon juice na inihahalo sa almond oil at harina, turmeric powder na hinalo sa honey at baking soda.

Kung mabilis ang reaksyon ng balat sa kahit na anong produkto, natural man o hindi, mainam na kumonsulta sa duktor. Alam ng mga dermatologists kung ano ang dapat gamitin sa klase ng balat mayroon ang isang tao. Kadalasan, nagrereseta ang mga duktor ng produktong nabibili sa botika. At madalas din, ang mga ito ay mahal. Kaya naman mas mabuting tingnan ang mga sangkap kung saan at paano ginagawa ang mga nakalista sa reseta.

Maaari ring magsagawa ng advanced research gamit ang gadget at internet. Pwede nang hanapin online ang gamot o produktong inirerekomenda ng duktor. Dito kadalasan makikita ang kumpletong sangkap, paraan at dalas ng paggamit, at posibleng epekto ng mga produktong pampaputi ng balat. Dino na rin malalaman kung ang mga ito nga ba ay ligtas gamitin ng kahit sino at kahit anong skin type.

Gumamit ng mga natural na produktong pampaputi ng balat

Upang masigurong ligtas gamitin ang pampaputi ng balat, piliin ang natural o chemical-free na produkto. Mabisang pampaputi ng balat ang mga ito kahit na mas mura at madaling matatagpuan kahit saan. Maraming mga sangkap ang epektibong nakakapagpaputi ng balat. Madalas, nakikita ang mga ito sa loob ng bahay—sa kusina, sa refrigerator at pantry. Mayroon din namang mapipitas lang sa bakuran.

Papaya – Bukod sa napakasarap kainin, ang sariwang papaya ay napatunayan nang mabisang gamitin sa balat. Ang enzymes na nilalaman ng prutas na ito gaya ng papain ay may kakayahang tumunaw ng mga dead cells at mag-alis ng impurities. Ito ay nagreresulta ng mas maputi at makinang na balat.

Balat ng orange – Ito ay garantisadong epektibo sa pagpapaputi ng balat. Ang kagandahan nito, walang masasayang sa prutas na ito dahil sa angking yaman sa Vitamin C ng pinaka-prutas, at ang benepisyo sa kutis ng balat nito.

Kamatis – Ang bungang ito ay may lycopene na nagbibigay ng mala-rosas na kulay sa kutis. Maliban sa pampaputi ng balat, ginagamit din ang kamatis para maiwasan ang agarang pagtanda o pagkulubot ng balat.

Kalabasa – Kilala ang gulay na ito na mayaman sa exfoliating acids at antioxidants. Marami siguro ang nagtataka kung paano magpaputi ng balat ang kalabasa. Kapag ang katas nito ay inihalo sa honey at gatas, ito ay magiging parang paste. Ipahid lamang sa balat ng regular at makikita ang magandang pagbabago ng kutis makalipas ang ilang linggo.

Patatas – Katulad ng kalabasa, ang patatas ay mayroon ding antioxidant propties. Ang elementong ito ay may kakayahang makapagpaputi ng balat. Tinatanggal din ng bungang ito ang mga dead cells na mas lalo pang nakakapagpakinis ng balat.

Paano magpaputi ng balat gamit ang homemade whitening products?

Sadyang magastos kung bibili palagi ng mga produktong pampaputi. Maaari rin namang magpaputi ng balat nang libre. Sa mga mahilig magluto at palaging nag-iimbak ng olive oil sa kusina, good news! Ang langis na ito ay hindi lang pangluto, pampaputi pa. Ihalo lamang ang ½ tasa nito sa 2 kutsara ng langis ng niyog, 2 kapsula ng Vitamin E at 1 kutsarang pagkit. Isalang sa kaserola nang may mababang init hanggang sa matunaw.

Ilagay sa isang malinis na lalagyan ang mixture, palamigin hanggang sa magmukha nang moisturizer. Mas mainam na homemade ang pampaputi ng balat na ito dahil mas makakatipid ang gagamit nito. Mas matagal din ang expiry date dahil maaari itong gamitin ng hanggang 3 buwan.

Isa pang mabisang pampaputi ng balat ang sabila. Ito ay epektibong gamot sa tighiyawat at mga dark spots sa mukha at katawan. Dahil sa all-natural ang halamang ito, maaaring gamitin araw-araw nang hindi nag-aalala sa anumang allergic reaction. Para makagawa ng homemade whitening cream, ihalo lamang ang 2 kutsara ng katas ng sabila sa 1 kutsaritang lavender oil at 1 kutsarita ng primrow na langis.

Mga dapat gawin para pumuti ang balat

Hindi lamang produkto ang kailangan para sa mabisang pampaputi ng balat. Kailangan din ng mga tamang gawain para mas epektibo pa ang beauty regimen na ito. Pagdidiyeta ang una sa lahat. Hindi ibig sabihin nito ay bawal nang kumain. Sa katunayan, dapat ngang kumain, ngunit mga masusustansiyang pagkain lamang. Ang prutas at gulay ay mayayaman sa bitamina kaya sila ang dapat manguna sa listahan ng dapat kainin.

Maliban sa pagkain ng tama, ang pagtulog ng sapat sa oras at pag-inom ng maraming tubig araw-araw ay nakatutulong din sa pagpapaputi ng balat. Matulog ng 8 oras nang magkaroon ng malusog na pangangatawan. Uminom ng 8 basong tubig araw-araw para manatiling hydrated ang balat. Sa ganitong paraan, mas mapapabilis ang pagpapaputi dahil malusog ang balat.

Mag-ehersisyo araw-araw para pagpawisan. Ang pagpapawis ay senyales din ng pagiging malusog. Ang malusog na pangangatawan ay nagdudulot din ng pagkakaroon ng malusog na balat. Kaya naman ano mang pampaputi ang ipahid dito ay garantisadong epektibo.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Beauty Tips: Mabisang Pampaputi ng Balat
Rate this post

Sabihin sa iba ang tungkol dito!

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

loading...