Mga Lotion at Sabon na Mabisang Pampaputi ng Balat

[sg_popup id=1]

Sino ba naman ang ayaw pumuti, lalo na kung saksakan ka ng itim na nagiging sanhi ng panunukso saiyo ng ilang mapanghusgang mga tao. Minsan ka na bang tinawag na baluga dahil saiyong kulay? Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga produktong mabisang pampaputi katulad ng lotion at sabon. Kung nais mong pumuti ay makakatulong ang mga ito saiyo.

Mga produktong mabisang pampaputi

Sa panahon natin ngayon ay malawak na ang narating ng ating medisina. Dahil sa talino at lawak ng isip ng mga tao ay samot saring mga gamot ang mga naiimbento. Kung kaya’t pati ang pagputi ng isang tao ay mayroon na ring solusyon. Nariyan ang mga sabon at lotion na nagsisilabasan sa telebisyon, social media gamit ang internet. Kung kaya naman ang mga ito ay madaling nakikilala at siyempre pa madaling ibenta dahil nga sa marami ang mga taong gustong maging maputi. Laganap rin ang mga bentahan nito sa social media kung kaya’t marami rin ang mga nagsisilabasang mga pekeng produktong pampaputi tulad na lamang ng lotion at sabon. Upang hindi kayo maloko, ay inilabas namin ang artikulong ito para malaman niyo ang tunay na mga produktong nakakpag paputi ng balat, tulad ng sabon at lotion.

Lotion na mabisang pampaputi

Sa pagbili ng lotion na pampaputi kailangan ay maging mautak ka. Tingnan ang mga ingredients o sangkap sa pagawa ng lotion na makikita sa lalagyan nito, huwag ring kalilimutang tingnan ang expiration date nito at dapat ay FDA approved. Ano ano ba ang mga lotion na mabisang pampaputi? Narito ang ilan sa mga sumusunod:

  • Gluthatione Lotion – Sa pagbili ng lotion na pampaputi ay piliin ang lotion na may sangkap na gluthatione. Subok na ito at ang importante ay rekomendado rin ito ng mga dermatologist o doktor sa balat. Napakaraming brand ng lotion ang mayroong gluthation dahil nga kilala ito at subok na. Ang kailangan mo lamang gawin ay pumili ng lotion na hiyang sa balat mo at siyempre dapat epektibo. Upang makasigurado, ay makabubuti ang pagkonsulta sa isang dermatologist.
  • Papaya Lotion – Isa pang mabisang lotion ay ang may sangkap na papaya. Alam naman nating lahat na ang papaya ay mabisang pampaputi. Kung tutuosin nga ay puwede mong gamitin mismo ang bunga nito. Kaya lang siyempre, mas mabisa na ito kapag dumaan na sa proseso at formulation. Kaya nakakagawa ng papaya lotion. Katulad rin ng Gluthatione lotion, marami ring brand ang papaya lotion.
  • Lotion with vitamin E and C – Anumang pagkaing nagtataglay ng vitamin E at C ay maganda sa balat. Ganoon rin naman sa pagpili ng lotion na bibilhin. Piliin ang mga lotion na nagtataglay ng sangkap na vitamin E and C. Marami ring brand ng lotion ang may ganito.
  • Sunblock Lotion – Kung tutuosin, ang sunblock lotion ay hindi naman talaga nakapag papaputi. Ito ay nakatutulong lamang upang hindi masunog ng araw ang balat mo. Gayunpaman kahit hindi ito nakakaputi ng balat ay mapapanatili naman nito ang kulay ng balat mo kahit nakabilad ka sa araw.

Ngayong alam niyo na ang mga ibat ibang uri ng mabisang lotion na pampaputi ay alamin naman natin ang mga sabong nakakapagpaputi ng balat.

Mga sabon na pampaputi ng balat

Kung mayroong lotion, mayroon ring namang sabon na mabisang pampaputi. At hindi katulad ng lotion, ang sabon ay hindi nakakatamad ipahid sa balat dahil sa pagpaligo pa lamang araw-araw ay tiyak na magagamit mo ito. Pero ano ano ba ang mga sabong mabisang pampaputi? Narito ang ilan sa mga sumusunod:

  • Gluthatione Soap – Katulad ng lotion, mayroon ring sabon na mayroong sangkap ng gluthatione. Kagaya nga ng sabi ko, subok at tested na ito. Ang mga ganitong klaseng sabon ay hindi rin mahirap hanapin sa market. Sa mga mall at drug stores ay marami nito.
  • Papaya Soap – Mas makabubuti ang parehong uri at brand ng sabon at lotion na gagamitin mo upang makaiwas sa komplikasyon . Kaya kung Gluthation lotion ang gamit mo ay mas makabubuti rin kung gluthation ding sabon ang iyong gamitin.
  • Kalamansi Soap – Nabanggit ko kanina ang kahalagahan ng vitamin C sa ating balat. Kaya naman ang sabon na may kalamansi ay mabisang pampaputi dahil sa ang kalamansi ay isang Citrus fruit na mayaman sa vitamin C na mabisang pamputi ng balat.

Sa dami ng brands ng sabon at lotion na nagkakalat sa market ay talagang mahihirapan kang pumili ng totoong mabisa dahil sa napakarami rin ang mga nagsikalat na p

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Lotion at Sabon na Mabisang Pampaputi ng Balat
1 (20%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO