Sabon na Pampaputi: Anong Sabon ang Nakakaputi ng Balat?

[sg_popup id=1]

Nais mo bang pumuti? Naghahanap ka ba ng mabisang sabon na pampaputi? Ang artikulong ito ay naglalaman ng kaalaman at magtuturo saiyo ng ibat ibang klase ng sabon na pampaputi ng balat, kaya kung interesado ka ay magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Sabon na pampaputi

Sabon na pampaputi? Bago natin talakayin ang ibat ibang klase ng sabon na nakapag papaputi ng balat, alamin muna natin kung bakit ba maraming mga Pilipino ang nagkakandarapa para lamang pumuti. Mahalaga ba ito? Nakatatak sa Pilipino ang kulay na kayumanggi, ngunit sa panahon ngayon, ang ating mundo ay punong puno ng diskriminasyon, kaya ang pagkakaroon ng magandang panlabas na hitsura ay isang malaking puntos. Nakakadagdag rin ito ng lakas ng loob o sef confidence.

Kaya hindi nakapagtataka kung bakit ganoon na lamang kadami ang mga nagsisilabasang ibat ibang uri ng produktong pampaputi, nangungunang produkto ang sabon. Bakit sabon? Dahil ito ang pangunahing gamit ng mga Pilipino sa pagpaligo araw araw. Ano ano ba ang sabon na pampaputi? Saan ba nakakabili nito? Malalaman mo ang sagot sa mga katangungang ito mamaya.

Iba’t ibang uri ng sabon na pampaputi

Anong sabon ang nakakaputi? Napakaraming uri ng sabon na pampaputi, dahil nga sa pagbulusok sa market ng produktong katulad nito ay hindi na nga mapigilan ang pagsilabasan ng ibat ibang brand at uri ng sabon sa merkado. Dahil rin sa impluwensya ng cellphone, computer, at internet, laganap rin ang bentahan nito online. Upang magkaroon ng malinaw na ideya, alamin natin ang mga uri ng sabon na pampaputi ng balat. Narito ang mga sumusunod:

  • Gluthatione Soap – Isa sa mga nangungunang produkto ng sabon hindi lang dito sa Pilipinas ay ang sabon na may sangkap na gluthatione. Ang gluthatione ay mabisa at subok ng pampaputi ng balat, rekomendado rin ito ng mga doktor o dermatologist, at hindi ito mahirap hanapin sa pamilihan. Mabibili mo ito sa mga malls at drug stores, saan man sa Pilipinas.
  • Papaya Soap – Ang sabon na may sangkap ng papaya ay mabisa ring pampaputi ng balat. Ang enzyme na nasa katas ng papaya ay nakapagpapakinis at napakapagpapaputi ng balat. Maraming uri ng brand mayroon ang papaya soap, pumili lamang ng mas hiyang at pasok sa budget na produkto.
  • Kalamansi Soap – Ang kalamansi ay kabilang sa pamilya ng mga citrus fruits na kilala dahil sa taglay nilang vitamin C. Maganda sa balat ng tao ang vitamin C, kaya ang sabon na may sangkap na galing sa kalamansi ay isa ring mabisang sabon na pampaputi. Marami ring brand ang mayroon nito sa merkado, pumili lamang ng mas nababagay na tapang ng sabon sa iyong balat.

Ito ang tatlong uri ng sabon na subok at nakatatak na ang kalidad pagdating sa pagpapaputi ng balat. Pero paano ka ba makabibili ng ganitong brand na sigurado? Upang makatulong saiyo, nakalagay sa artikulong ito ang pito sa pinakakilalang brand ng sabon dito sa Pilipinas base sa review at sales ranking ng mga ito. Ito ang mga sumusunod:

  • Kojie San Skin Lightening Soap
  • Belo Intensive Whitening Bar
  • Olay Skin Whitening Bar
  • Vitapack 8 in 1 Whitening soap
  • Royale L-Gluta Power Whitening Soap
  • Top Gel Whitening Soap
  • SCT Gluta Kojic Ultra Whitening Soap

Magingat sa mga pekeng sabon na pampaputi

Dahil sa madali ang bentahan ng ganitong produkto at dagdag pa ang mga dumaraming consumers. Hindi talaga mawawala ang paggawa ng ilang mapagsamantalang mga tao ng pekeng produktong maaaring maglinlang saiyo. Napakarami na ring mga produkto ang nakumpiska, at mga nahuling Kriminal na illegal na nagbebenta ng mga ito. Kaya importante ang maging matalino sa pagpili ng produktong bibilhin. Huwag basta basta bumili sa internet lalo kapag hindi mo kilala ang nagbebenta, Iwasan mo rin ang matukso sa mababang presyo ng isang produkto at sa kanilang mapanlinlang nilang na adbertismo. Kung maaari ay huwag rin magpabago bago ng sabon. Ang paggamit ng ibat ibang uri ng sabon ay maaaring makasama sa iyong balat at maaaring magdulot ito ng iritasyon, pangangati, at iba pang komplikasyon.

Paano ba makakaiwas sa pekeng produkto? Mayroon bang mga tip upang huwag mabiktima nito? Ang artikulong ito ay naghanda ng simleng mga tip na maaaring magamit ng mga mamimili upang makaiwas sa pagbili ng peke o fake na sabon na pampaputi.

Mga dapat tandaan sa pagbili ng sabon na pampaputi

Sa pagbili ng isang produkto lalo kapag hindi mo pa nasusubukan, importante ang magkaroon ng masiyasat na pagsusuri nito. Ang pagamit ng pekeng sabon na iyong nabili ay maaaring makasira sa iyong balat. Kaya naman narito ang ilan sa mga dapat tandaan bago bumili ng sabon na pampaputi, sundin lamang ng mabuti ang mga sumusunod:

  • Magkaroon ng tinatawag na “whitening goal” – Bago ka bumili ng sabon na pampaputi, kailangan alamin mo muna kung ano ang goal mo sa pagpapaputi para alam mo kung gaano katapang ang sabon na bibilhin mo.
  • Alamin ang tipo ng balat meron ka – Bago ka magsimula ng kahit na anong skin care or whitening routine, dapat alamin mo muna ang skin type mo. Karamihan kasi ng whitening soaps ay harsh at nakaka-dry talaga sa skin. Kaya kung dry skin type ka, medyo maaapektuhan ang skin mo sa pag gamit ng sabon na pampaputi.
  • Alamin ang mga sangkap ng sabon – Napakahalaga nito para sa isang mamimili. Kailangan siguraduhin mo na ang iyong bibilhing sabon ay mayroong epektibong sking whitening ingredients. Ano ano ba ang dapat mong hanaping sangkap? Effective ingredients: Kojic Acid, Tranexamic Acid, L-glutathione, Licorice, Papaya Extract.
  • Pumili ng subok at kilalang brand – Bago ka bumili, mahalaga ang pagawa ng research sa isang uri ng brand na iyong binabalak bilhin. Basahin ang mga reviews and comments ng isang produkto upang makasiguro ka na rekomendado nga ito.
  • Kailangan ay FDA approved ang produkto – Importante din na FDA approved ang gagamitin na sabon para siguradong tama ang ingredients na nakalagay at walang harmful or restricted na mga ingredients. Huwag mahihiyang magtanong sa seller at i-research ang brand ng soap na bibilhin mo.
  • Bumili ng tama lang sa budget – Kung hindi ka naman mayaman, hindi mo kailangan bumili ng mga mamahaling whitening products. Mayroon rin namang mga murang produkto ngunit mabisa at subok na rin. Katulad ng sabi ko, gumawa ng research.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Sabon na Pampaputi: Anong Sabon ang Nakakaputi ng Balat?
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO