Ano Kaya Ang Mabisang Pampaputi ng Peklat?

[sg_popup id=1]

Marami sa atin lalo na sa mga kababaihan ay lubos na pinangangalagaan ang ating balat. Kadalasan ay marami ang mga ginagawa, at ginagamit para lamang pumuti ang balat. Kaya naman kapag nasugatan at nagkapeklat ay madalas na ngdudulot ito ng kabalisahan, lalo kapag maitim ang peklat. Ano ang dapat gawin para pumuti ang peklat? Anong mga produkto ang pampaputi ng peklat?

Ang peklat ay talaga namang hindi magandang tingnan. Sa tuwing magkakasugat ay iniisip natin na ang peklat ay paputiin, dahil ayaw natin ng maitim na peklat. Gagawa at gagawa tayo ng paraan para pumuti ang peklat. Mayroong mga peklat na madali lng pumuti, ngunit may mga peklat naman matagal bago pumuti. May mga paraan na dapat gawin para pumuti o pampaputi ng peklat

Mga produktong pampaputi ng peklat

Ang isa sa mga paraan na ito ay ang alpha hydroxyl o AHA na makatutulong upang mawala ang wrinkles, acne, at peklat o scars. Kung minsan matatagpuan ito sa mga pagkain katulad ng citric acids mula sa citrus fruits, glyclolic acid mula sa sugar cane, lactic acid mula sa gatas, malic acid na mula sa apple, at tartaric acid mula naman sa grapes.

Ang AHA ay pwede ring i-apply sa balat o skin para pampaputi ng peklat. Ilagay ito sa mismomg peklat para ang dead skin cells ay mapalitan ng bago at magandang balat.

Home remedies pamapaputi ng peklat

Ang AHA ay madali lng makuha dahil karamihan nito ay nasa paligid lng natin, maaaring nasa kusina pa natin ang ilan sa mga ito. Katulad ng yogurt na mayroong lactic acid, ang lemom at grapefruits na may citric acids, champagne na mayroong tartaric acid, apple cider vinegar na may ample in malic acid. Ang paggamit ng mga ito ay maaaring paunti-unti lamang na mabawasan hanggang sa pumuti ang peklat.

Over the counter chemical peels and lotion pampaputi ng peklat

Ang AHA ay maari ding matagpuan sa mga uri ng chemical products katulad ng lotion, cleansers, creams at toner. Ang paggamit nito ay mabilis na paraan, dahil derekta itong inilalagay sa skin o balat.

Professional chemical peels pampaputi ng peklat

Kailangan mong pumunta sa isang dermatologist para sa chemical peels, ito ang pinakamabisang paraan dahil masusuri nito ng mabuti ang skin o balat, at mabibigyan na karampatang solusyon ang iyong problema.

Narito ang ilang produktong pampaputi ng peklat:

Silicone gel sheet. Ang silicone gel sheet ay mura at mabisang pampaputi ng peklat at mabibili ito over the counter.

Aloe vera gel. Ang aloe vera gel ay mabisang gamot sa paso or burn, pampaputi ng balat, at pampaputi ng peklat. Ang aloe vera gel ay hindi lamang mabisa sa balat, pwede rin ito sa buhok. Hindi naka pagtataka dahil meron itong 75 nutrients, 20 minerals, 12 vitamins, 18 animo acids at 200 enzymes. Kaya sa balat man o buhok ay mabisa ang aloe vera gel.

Vitamins C. Ang vitamin C ay isang mahalagang sangkap para magkaroon ng collegen sa ating katawan, na tumutulong sa pag-repair ng skin damage at pagkaroon ng bago at magandang balat. Ang vitamins c ay mabisa ring pampumuti ng darks spot. Ang vitamin c ay makukuha sa mga prutas katulad ng citrus, apple, grapes raspberries, kahit sa mga gulay katulad ng patatas. Matatagpuan din ang vitamins c sa mga lotion, cream, at serum.

Onion extract gel. Ang onion extract gel ay kadalasang ginagamit sa mga post surgical derm scars, sinasabing 36 na porsyento itong mabisa kumpara sa treatment.

Kojic acid soap. Ang kojic acid soap ay kilalang mabisa at ligtas na pampaputi ng peklat at balat, meron itong melanin na tumutulong sa pagpapaputi ng peklat at balat, kahit sa darks spot katulad ng melasma.

Mga natural na paraan para pumuti ang peklat

Pipino. Ang pipino ay mabisa ring pampaputi ng peklat, katulad ng peklat na dulot ng acne, at marami pang iba.

Baking soda. Kumuha ng kaunting baking soda at lagyan ito ng kaunting tubig para dumikit sa balat, at ilagay sa basang balat kung saan mayroong peklat. Hayaan ito ng mga 10-15 na minuto, maari din na mag-warm compress para sa mas magandang resulta. Mabisa itong pampaputi ng peklat katulad ng acne scars.

Vitamin E. Ang vitamin e ay tumutulong din para pumuti ang peklat, maaring buksan ang vitamin e capsule at ilagay ang liquid sa apektadong balat o peklat. Maaari ding gumawa ng home remedies scar lotion gamit ang vitamin e capsule, pwede itong dagdagan ng coconut oil, frankincense, aloe, wheat germ, at rosehip.

Extra virgin coconut oil. Ito ay tumulong para maalis ang mga dead skin cells at pumuti ang balat o peklat, maaari ding lagyan ng kaunting olive oil ang balat ng overnight para sa skin moisturizing.

Cocoa butter. Ang cocoa butter ay tumutulong para mabanat ang balat o peklat para pumuti ito. Kadalasan na ginagamit ito sa malalaking peklat.

Lavender oil. Ang lavender ay mabisang pampaputi ng peklat dulot ng acne at eczema. Ang dalawang patak lamang ng lavender oil araw-araw ay mabilis na mababawasan ang scar tissue at mabilis na puputi ang balat o peklat. Ang lavender ay sinsabing nakatutulong din sa mga tao na mayroong anxiety at ensomia.

Mga dapat tandaan sa pagpapaputi ng peklat

  • Gumamit ng produktong mayroong AHA.
  • Ang AHA ay maaring makuha sa mga pagkain o sa mga produktong pwedeng i-apply sa balat
  • Maaring pumunta sa isang dermatologist para sa pinakamusay na tulong

Maaring gumamit ng pampaputi ng peklat sa natural na paraan katulad ng:

  • Silicon gel sheet
  • Aloe vera gel
  • Vitamins c
  • Onion extract gel
  • Baking soda
  • Vitamins E
  • Extra virgin oil
  • Lavender oil

Ang tamang kaalaman sa kung ano ang mga pampaputi ng peklat at balat ay mahalaga. Makatutulong ito para magkaroon ng maputi at makinis na balat. Ang pagkakaroon ng makinis at maputing balat na walang peklat ay makakadagdag sa kompiyansa ng isang babae. Makakabawas din ito sa stress ng isang babae dulot ng kabalisan sa pagkakaroon ng maitim na peklat. Malaking kasiyahan din ang maidudulot kapag nawala ang peklat sa mukha man ito o sa balat. Ang maganda at makinis na balat ay tunay na kayamanan ng isang babae. Pangalagaan natin ito at pakaingatan at higit sa lahat ay iwasang magkasugat upang magkapeklat.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano Kaya Ang Mabisang Pampaputi ng Peklat?
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO