Mga Practical Tips Kung Paano Pumuti

Ikaw ba ay may kayumanggi o maitim na kulay? Siguro, madalas, nakakaranas ka ng matinding panunukso mula sa mga kaibigan, kaeskwela o katrabaho mo. At sa mga pangungutyang ito, malamang, nag-iisip ka na ng kung ano-anong paraan kung paano pumuti. Nag-uumpisa ka na rin sigurong sumubok ng iba’t-ibang uri ng sabon, cream at lotion na pampaputi.

Maraming paraan at produktong puwede mong gamitin para pumuti. Kaya lang, kung minsan, hindi na kaya ng budget ang mga mapipiling remedyo. At dahil dito, madalas ipinagpapaliban na lamang ang pagpapaputi. Bakit kailangang isakripisyo ang pagpapaganda kung may mga mapipili namang mura pero epektibong paraan?

Hindi kailangan ng maraming pera para pumuti

Sinong nagsabing cream at lotion lang ang solusyon kung paano pumuti? Sa katunayan, mas mahal pa ang mga produktong ito kaya siguradong apektado ang budget. Kung sapat lang ang pera sa mga pang-araw-araw na gastusin, huwag mag-alala. Maraming makikita sa loob ng bahay na hindi inaashan at hindi kapani-paniwala ngunit epektibong nakapagpapaputi.

Kung walang pera, may paraan pa rin kung paano pumuti. Ang mga produktong ito ay siguradong makikita sa kusina o pantry sa loob ng bahay:

  • Baking soda, 1 kutsara
  • Gatas (powdered), 2 kutsara
  • Almond Oil, ½ tasa
  • Honey, ½ tasa
  • Asukal, 1 tasa

Paghalo-haluin lamang ang mga nabanggit na sangkap sa isang malinis na lalagyan. Ipahid sa balat at hayaang matuyo ng 10 – 15 minuto. Magbanlaw nang mabuti at tuyuin ang katawan. Dahil ang paraan ng pagpapaputing ito ay all-natural, maaari itong gawin araw-araw. Ito ay garantisadong ligtas gamitin para sa kahit anong skin type.

Importanteng regular ang pag-a-apply ng pinaghalo-halong sangkap na ito. Gaano man kaabala sa pang-araw-araw na gawain, siguruhing maisingit ang whitening regimen na ito sa maghapong schedule. 10 -15 minuto lang ito sa 24 oras sa isang araw. Hindi kailangang gumastos at bumili pa ng kalendaryo o planner para sa pagpapaalala ng pagpahid araw-araw. I-set lang sa reminder o alarm ng cell phone at tiyak na walang mintis ang pagpapaputi.

Lemon at turmeric para sa pagpapaputi

Kung hindi pa sapat ang mga nasabing sangkap, maaari ring subukan ang lemon para pumuti. Ihalo ang pinigang lemon juice sa oil at isang kutsaritang harina. Haluin hanggang sa makabuo ng paste texture. Ipahid sa mukha at iba pang bahagi ng katawan na nais paputiin. Patagalin ng hanggang 10 minuto bago banlawan nang mabuti. Hindi lang sa oil at harina inihahalo ang lemon para sa epektibong pagpapaputi. Maging sa yogurt, honey at baking soda ay puwede rin ito.

Kung pamilyar sa turmeric, mainam din ito sa pagpapaputi ng balat. Ihalo lamang ang ¼ kutsarita nito sa 2 kutsarang harina at 3 – 4 na patak ng honey. Pag pinaghalo-halo ito, makakagawa ng paste na puwedeng ipahid sa mukha at ibang parte ng katawan. Nakakatulong ang mixture na ito sa pagpapanatili ng moisture sa balat. Ibig sabihin, ang patuloy na paggamit ng turmeric mixture ay nakapagpipigil sa pagkakaroon ng dry skin.

Mga dapat pang malaman kung paano pumuti

Ang pag-eehersisyo ng regular ay nakatutulong para gumanda at kuminis ang kutis. Kapag makinis ang kutis, mas mabilis na itong mapapaputi. Hindi na kailangan pang mag-enrol sa gym at magbayad ng monthly fee para sa regular na ehersisyo. Maraming puwedeng gawin sa loob ng bahay bilang workout. Stretching, squats, planking at sit-ups ay ilan lamang sa mga indoor exercises na makapagpapaganda ng kutis.

Hindi madaling pumuti. Sa pamamaraan at panahon, kailangang pa ring maghirap, magpagod at maghintay para makamit ang gusto mong kutis. Bukod sa regular na paggamit ng all-natural na bleaching mixture, dapat ding tuloy-tuloy ito. Huwag iibahin o babaguhin ang naumpisahan nang routine. Higit sa lahat, huwag susuko at titigil. Tandaan, Ito ang pinaka-praktikal na paraan kung paano pumuti.

Kung mas gusto mo pa rin ang pagpahid ng moisturizer at lotion para pumuti, may mga mura ngunit epektibong produkto rin namang mabibili. Subukan munang bumili ng maliliit na pakete ng mga pampaputi. Mas mainam na malaman mo muna kung hiyang ka at ang balat mo sa mga produktong nabibili.

Mga tips para pumuti

Puwedeng magkaroon ng kutis-artista kahit hindi marami ang perang ilalaan para sa pagpapaputi. Maraming matututunang tips para pumuti. Ang mga ito ay sadyang makatutulong nang hindi na kailangan pang gumastos ng malaki. Kailangan lang pursigido at maglaan ng panahon para sa mga pamamaraan. Kailangan ding tuloy-tuloy ang pagsunod sa proseso at hindi lumihis ng direksyon.

Habang ginagawa ang mga epektibong tips na nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito, mahalagang alam din ang mga paraan kung paano pangangalagaan ang kutis. Ang wastong pag-aalaga ng balat ay bahagi rin ng ilang pamamaraan kung paano pumuti.Hindi epektibo ang pagpapaputi kung hindi maaalagaan nang tama ang balat. Narito ang mga skin care tips tungo sa pagpapaputi:

  • Pag-inom ng tubig na may sapat na dami. Ito ay nakatutulong sa pag-hydrate ng balat. Hinidi kinakailangang makaramdam ng uhaw para lang uminom. Ang malusog at hydrated na balat ay nakatutulong din sa mas mabilis na pagpapaputi ng balat.
  • Paggamit ng sunblock araw-araw. Hindi naman kailangang mahal at branded ang sunblock. Ayon sa mga eksperto, kadalasan, ang sunblock ay gawa sa halos magkakaparehong sangkap pampaputi. Pinipigilan ng sunblock ang pag-itim o pagkasunog ng balat sa tuwing nabibilad.
  • Pag-iwas sa paninigarilyo. Ang sigarilyo ay hindi lamang nagdudulot ng posibilidad ng pagkasira ng baga. Ito rin ay maaaring pagmumulan ng tuyot at kulubot na balat.
  • Pagkain ng masustansiya. Mainam na kumonsumo ng mga pagkaing puno ng bitamina gaya ng gulay at prutas. Ang mga ito ay mayaman sa Vitamin A, C at E na sadyang nakapagpapalusog ag nakapagpapaputi ng balat.

Ngayong nalaman na ang mga epektibong paraan kung paano pumuti, panahon na para i-apply ang mga ito. Napakaraming mga natural o chemical-free na produktong nairekomenda na dito. Iba’t-iba rin ang mga paraan ng paggamit ng pampahid para pumuti na natutunan dito. Kailangan lang na huwag itigil at dire-diretso lang ang pagsunod sa mga tips na binigay.

Hindi nga ba’t mura o libre lang magpaputi? Hindi man ganoong kadali at kabilis, garantisado naman ang pag-achieve sa mala-artistang balat. Ang mga all-natural whitening remedies dito ay halos walang katumbas na halaga ng pera. Subalit, sila ay nagbibigay naman ng resultang kasing epektibo ng mga produktong sikat at nabibili ng mahal sa merkado.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Practical Tips Kung Paano Pumuti
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!