Anong Kulay ng Buhok Ang Nakakaputi ng Balat

[sg_popup id=1]

Nasubukan mo na bang magpakulay ng buhok? Ano kaya ang babagay na kulay sa iyong buhok na maaari ding makapagpaputi saiyo?. Ang artikulong ito ay magtuturo saiyo ng kaunting tip sa kung ano ang puwedeng ipang kulay mo sa iyong buhok at makapagpalabas ng iyong kaputian.

Kulay ng buhok na nakakaputi

Kulay ng buhok na nakakaputi? Puwede ba ito? Ang totoo, may mga bagay o pangyayari na sadyang nakakapagpalitaw ng kulay ng isang tao. Katulad na lamang sa pananamit, may mga kulay ng damit na nakakapagpaputi sa taong sumusuot. Tandaan lamang na hindi literal na pumuputi ang balat, bumabagay lamang ang kulay ng damit na iyong suot sa kulay ng iyong balat, kung kaya mas lumilitaw at kapansin pansin ang kulay nito.

Wala rin itong halos pagkakaiba sa kulay ng iyong buhok. Kaya naman maraming mga Pilipino ngayon ang nahihilig magpakulay ng buhok dahil sa isang rason, ang mas lumitaw ang kanilang kulay at maging maputi sa paningin ng iba. Ang tanong, ano ano ba ang kulay ng buhok na nakakaputi? Magpatuloy lamang sa iyong pagbabasa at malalaman mo ito.

Anong kulay ng buhok ang nakakaputi?

Nasubukan mo na bang pumunta sa salon at magpakulay ng buhok? Ayon sa mga ekspertong hair stylist, ang pag pili ng kulay na gagamitin sa iyong buhok ay hindi dapat basta basta. Mayroon dapat itong tinatawag na skin tone determination. Mayroon dalawang klase ng skin tone ang balat, ang tinatawag na warmed toned at ang cool toned. Kapag ang kulay ng ugat ng iyong kamay sa may bandang pulso ay berde, ang skin tone mo ay warmed toned, at kapag asul naman ang kulay, ito ay cool toned. Ngayong alam mo na ang dapat na tandaan sa pagpili ng pang kulay sa iyong buhok, alamin na natin kung ano ba ang dapat na kulay ng buhok na nakakaputi.

Para sa mga hair stylist experts, kapag moreno o morena ka, mas magandang ipang kulay sa buhok ang mga dark colors katulad ng dark browns, dark reds, chocolate browns, dull reds, dark blue, purples at iba pang dark colors. Ito daw ay mas nakakaputi para sa mga taong kayumanggi ang kulay. Iwasan rin ang mga light colors. Para naman sa mga taong maiitim ang balat, mas magandang piliin ang kulay na honey-hued o kaya dark red para sa iyong buhok. At kung sadyang maitim ang iyong buhok at gusto mo ng pagbabago, pumili ng shade na halos kakulay ng iyong buhok, kagaya ng maroons o kaya dark browns. Tandaan lamang ang mga tip na ito sa pagpili ng ipangkukulay sa iyong buhok, upang makaiwas sa hindi magandang resulta.

Pagpapakulay maaaring maging dahilan ng pagkasira ng buhok

Para sa mga fashionista, ang pagpapakulay ng buhok ay tinatawag nilang hair fashion. Pero alam mo bang maaari din itong maging dahilan ng pagkasira ng iyong pinakamamahal na buhok? Ang sobrang paggamit ng kemikal sa buhok katulad na lamang ng pagpapakulay ay puwedeng maging sanhi ng pagkasira nito. Ang buhok natin ay isang fiber at sa gitna ng hibla ng buhok ay naroon ang cuticle na siyang unang nasisira dahil sa mga kemikal.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Anong Kulay ng Buhok Ang Nakakaputi ng Balat
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO