Paano Gawin Ang Calamansi Whitening sa Mukha at Singit?

Ang calamansi o mas kilalaa sa tawag na kalamansi,isang maliit na ptutas na karaniwan ng nasa kusina natin. Kung minsan nga ay nakatamin pa sa ating bakuran, at karaniwan ng mabibili sa palengke o kahit na saang tindahan. Ang maliit na prutas na ito ay hindi dapat maliitin! Nang dahil sa ang prutas na ito ay napakaraming benepisyong dala na mapapakibangan natin sa maraming paraan. Ano-ano ang mga benepisyong dulot ng calamansi? Paano makabubuti ang kalamansi sa mukha? Calamansi whitening sa singit, paano ito gagawin?

Ang calamansi o kaya ay kalamansi sa salitang tagalog ay matatagpuan sa mga bansa sa Southeast Asia lalo na sa Pilipinas. Sa mga bansa sa kanluran ito ay tinatawag na calamondrin na karaniwan nag ornamental plants sa kainlang bakuran. Ang prutas na ito ay laging ginagamit ng mga Pilipino bilang sangkap sa pagluluto. Ang masarap na asim nito ay talaga namang pasok sa panlasang Pilipino. Ang calamansi o kalamansi ay hindi lamang basta sangkap sa pagluluto, ito ay marami pang ibang benepisyo sa ating katawan.

Calamansi: Mga benepisyong dulot nito

  1. Ang calamansi o kalamansi ay masarap na pang marinade – pigain ang kalamansi at lagyan ng iba pang mga sangkap na pampalasa ang karne, tulad ng manok, baboy at baka. Ginagawa din itong sawsawan kasama ng toyo o patis para sa mga prinito o kaya ay inihaw na ulam. Ang calamansi juice naman ay isang masarap at masustansyang inumin.
  2. Pantaggal sa lansa ng isda – pigain ang kalamansi para lumabas ang katas nito ay saka ilagay sa isda at iba png sea foods para mawala ang lansa nito.
  3. Pampaputi ng balat – bago maligo lagyan ng katas ang kalamansi ang apektadong parti ng katawan o maitim ng bahagi at saka ibabad ng 20-30 minutes. Gawing ito ng 2-3 times a week.
  4. Pantaggal ng mantsa sa damit – ikukus ang kalamansi sa mantsa ng damit hanggang sa matanggal ang mantsa. Ito ay para lamang sa mga bagong mantsa at hindi pa natatagalan.
  5. Mabisang anti-perspirant at deodorant – hindi lamang ito ngtatanggal ng amoy kundi ng papaputi pa ito ng kilkili.
  6. Mabisang gamot sa ubo – pigain ang 3-4 na piraso ng kalamansi sa isang basong tubig at lagyan ng kaunting asukal saka inumin. Ang calamansi juice ay nagpapalambot ng plema sa baga kaya madali itong nailalabas.
  7. Nagtatanggal ng dandruff – pigain ang kalamansi sa isang malambot na tela at saka ihaplos sa anit. Mabisa din itong pantanggal ng pangangati hindi lamang sa anit kun sa iba pang parti ng katawan.
  8. Nagpapakapal ng buhok – ang kalamansi ay hindi lamang pantanggal ng dadruff kundi nagpapakapal pa ito ng buhok. Pigain ang kalamansi upang makuha ang katas nito,ilagay sa malambot na tela at saka ihaplos sa anit.
  9. Nagtatangal ng nanikit na dumi sa katawan – hatiin ang kalamansi pagkatapos ay ibabad ng kaunti at saka kuskusin ang paektadong bahagi ng katawan.
  10. Nagtatanggal ng masamang amoy sa katawan – hindi lamang ang kilikili ang maaring magkaroon ng masamang amoy. Kung minsan ang ibang bahagi ng katawan katulad ng paa ay maari ding magkaroon ng masamang amoy. Pigain ang 4-5 kalamansi at ilagay sa tubig pampaligo, pagkatapos mo maligo ay tiyak na makakaramdam ka ng kakaibang ginhawa at mawawala ng masamang amoy ng katawan.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga benepisyo na dulot ng calamansi o kalamansi. Marami pang ibang mga benepisyong dulot sa atin.

Benepisyong dulot ng kalamansi sa mukha

  • Pampaputi ng balat – ito ay mayroong natural n bleaching ng nagpapaputi ng balat at mukha.
  • Pampaganda ng kutis – mayroon itong antioxidant na tutmutulong upang maging maganda at makinis ang balat at pinoprotektahan nit ang cells para hindi masira. Mayroon din itong vitamin C kaya ang pagpahid o kaya pag inom ng katas ng calamansi ay nagpapakinis ng kutis sa balat at mukha.
  • Nakakabawas ng dark spot at peklat sa mukha – ang vitamin C at citrus ng calamansi ay tumutulong upang mabawasan ang pangingitim ng balat. Ang palagiang paggamit nito ay magpapauti ng balat maging ang mga peklat na dulot ng pimples.
  • Anti-bacterial – ang kalamansi ay pumapatay ng mga mekrobyo na maaring magdulot ng impeksyon sa balat.Mayroon itong citric acid at iba pang anti-bacterial properties na tutmutlong upang maging makinis ang balat.
  • Nagtatangal ng masamang amoy sa kilikili – ang kalamansi ay mabisa din na deodorant, makakatulong ito upang huwag pagpawisan ang kilkili. Pinapatay din nito ang mga bakterya na nagdudulot ng masamang amoy.

Paraan ng Pagagamit ng kalamansi sa mukha at buong katawan

  • Pagamit sa mukha – kumuha ng bukak o cotton lagyan ng katas ng kalamansi pagkatapos ay ipahid sa mukha, hayaan ng 2-3 minutes pagkatapos ay banlawang mabuti.
  • Calamansi para sa dark spot at pimple at acne scars – kumuha ng cotton buds lagyan ng katas ng kalamansi pagkatapos ay lagyan ang mga apektadong bahagi ng mukha,hayaan ng 5 minuto at saka banlawang mabuti ng maligamgam na tubig.
  • Calamansi pampaputi ng kilikili – ipahid ang katas ng kalamansi sa kilikili pagkatapos hayaan ng 5 minuto pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig, agwin ito ng 3-5 na beses sa loob ng isang linggo.
  • Calamansi para sa buong katawan – haluin ang isang kutsarang katas ng kalamansi at dalawang kutsarang gatas, ipahid sa mga maiitim na bahagi, at sa buong katawan. Hayaan ng 5 minuto at saka banlawan, gawin ito bago maligo.

Calamansi whitening sa singit o bikini area, papano it gagawin?

Para maiwasan ang pangingitim ng singit o bikini area ay kailangan na mabawasan ang pigmentation. Maari din maiwasan it sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Gumamit ng hindi masyadong masikip at cotton na underwear
  • Iwasan ang mag shave at mag waxs ng buhok sa bikini area para hindi ma damage ang balat
  • Gumamit lamang ng hindi matapang na sabon o mild soap
  • Para maging maganda ang balat ay kumain ng maga masustansyang pagkain.
  • Uminom ng maraming tubig
  • Gumamit ng sunblock kung kailangang ma expose sa araw katulad ng pag be-beach

Para naman pumuti ang singit o bikini area ay malaki ang maitutlong ng kalamansi. Ang calamansi ay mayroon ding tangerines na pinagmumulan ng vitamin C na may mataas na acidic properties na kilalang mabisang pampaputi ng balat.

Ang calamansi ay isang maliit na prutas ngunit mayroong napakalaking benepisyo sa ating katawan at kalusugan. Ito ay madaling matagpuan dahil marami nito kahit saan. At higit sa lahat ay mura lamang ito.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Paano Gawin Ang Calamansi Whitening sa Mukha at Singit?
2 (40%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!